Apat na pinaghihinalaang miyembro ng “Pladoso” gun-for-hire syndicate ang bumulagta makaraang makipagbarilan sa pulisya sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni QC Hall Detachment commander Supt. Rolando Lorenzo, dakong 3:00 ng umaga nang mangyari ang barilan ng mga suspek at mga pulis sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Nabatid sa imbestigasyon ng Quezon Police District District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), na natunugan ng mga intelligence operative na kinontrata ang apat para itumba ang isang negosyante sa isang restaurant sa lugar, sa halagang P5,000.

Agad na nagtalaga ng mga tauhan ang QCPD-CIDU sa lugar matapos magpositibo ang kanilang surveillance mission.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

At nang maispatan ng mga suspek ang QCPD agents, pinaputukan ang mga ito na naging dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng apat .

Nabawi mula sa mga suspek ang dalawang .45 caliber pistol, dalawang .9mm pistol, at mga basyo ng bala.

Napag-alaman din ng mga imbestigador na karaniwang nagsasagawa ng operasyon ang Pladoso gun-for-hire group sa Nueva Ecija at Northern Luzon. - Jun Fabon