Arestado ang isang 35-anyos na lalaki matapos tangayin ang 10 polo shirt, na nagkakahalaga ng P10,000, sa isang mall sa Pasay City kamakalawa.

Kinilala ni SPO2 Everesto Sarang-ey ang suspek na si Luisito Lato, ng 1178 Kagitingan Street, Tondo, Manila.

Dinampot ng security guard na si Nelson Retil si Lato matapos na ireklamo ni Jocelyn Dumlao, supervisor ng Penshoppe, nang lumabas ang suspek sa SM Mall of Asia tangay ang 10 polo shirt na hindi nito binayaran.

Isinilid umano ni Lato ang 10 polo shirt, na nagkakahalaga ng P699 bawat isa, sa isang bag bago umiskiyerda palabas nang hindi binayaran ang mga naturang kalakal.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ayon kay Dumlao, hindi na pumalag ang suspek nang arestuhin ng sekyu at agad na ibinalik ang tinangay na mga polo shirt.

“Dala lang po ng gutom, sir. Ibebenta ko po sana dahil walang wala talaga kami, eh. Nakikitira lang po ako sa tita ko kasi wala na po ‘yung mga magulang ko,” idinahilan ng suspek sa may akda. - Martin A. Sadongdong