Iniutos ng Office of the Ombudsman na kasuhan ng graft sa Sandiganbayan ang 11 opisyal ng Light Rail Transit Authority (LRTA) kaugnay ng umano’y maanomalyang pagpapatupad ng maintenance at janitorial contract noong 2009.

Kabilang sa pinasasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina dating LRTA Administrator Melquiades Robles, Federico Canar, Jr., Dennis Francisco, Evelyn Macalino, Marilou Liscano, Elmo Stephen Triste, Eduardo Abiva, Nicholas Ombao, Roger Vaño, Maynard Tolosa, at Juliet Labisto.

Isinama rin sa kaso ang mga service provider na sina Lilia Diaz at Dennis Acorda, ng joint venture (JV) ng COMM Builders and Technology Philippines Corporation, PMP Incorporated, at Gradski Soabracaj GRAS.

Bukod dito, napagtibay din ng Office of the Ombudsman na nagkasala sa reklamong misconduct sina Canar, Francisco, Triste, Macalino, Liscano, Abiva, Ombao, Vaño, Tolosa at Labisto, kaya sinuspinde ang mga ito ng anim na buwan.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Sa record ng Ombudsman, pumasok sa isang kontratra ang LRTA para sa “preventive and corrective maintenance” ng mga tren, riles, at depot facilities ng LRT Line 1.

Sa naturang kontrata, obligado ang JV na magpadala ng 793 manggagawa sa mga lugar ng LRT line station at rolling stocks.

“Documents show that in 2009, the JV was paid the combined costs of human capital and consumed material totaling P400.6 million. The Field Investigation Office, as complainant, found that only 209 personnel were deployed by the JV to the stations and depots,” pahayag ng Ombudsman.

Natuklasan din ng anti-graft agency na iprinoseso rin ng mga ito ang mga disbursement voucher ng sunud-sunod nilang monthly transactions sa kabila ng kawalan ng payroll. - Rommel P. Tabbad