Tatamasahin ng susunod na pangulo ng Pilipinas ang mas mataas na suweldo kumpara sa kanyang sinundan sa ilalim ng Executive Order 201 na nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III matapos ang biyahe nito sa United States, ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Sa isang pahayag, sinabi ni Recto na naniwala siya na ginawang permanente ng EO 201 ang mga probisyon ng deadlocked bill sa Salary Standardization Law (SSL) IV kaya hindi na kailangan na muling ihain ang panukala sa 17th Congress.

Bunga nito, sa Enero 1, 2019, sinabi ni Recto na “the next president will have a salary of P399,793.”

(Hannah Torregoza)

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?