Muling nanawagan ang Malacañang noong Biyernes sa China na huwag palalain ang tensiyon sa South China Sea matapos magpadala ang China ng mga missile sa Woody Island sa Paracels.
Ito ay sa kabila ng katotohanan na ang Woody Island ay hindi sakop ng inaangking teritoryo ng Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, Jr. ang joint statement sa katatapos na ASEAN-US Leaders’ Meeting sa California, USA, ay nananawagan sa lahat ng partido na iwasan na lalong lumala ang tensiyon sa South China Sea.
“Nagkaisa (sila) sa kanilang joint statement sa pagsasabing ang dapat pairalin dito ay ‘yung rules-based settlement of disputes,” sabi ni Coloma. (Madel Sabater-Namit)