Hiniling ng abogado ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa Korte Suprema na palawigin ng karagdagang 90 araw ang status quo ante order (SQAO) na pansamantalang nagpapatigil sa mga pagdinig ng Sandiganbayan sa kasong plunder laban sa kongresista.

Ang SQAO na ipinalabas ng Supreme Court (SC) noong Nobyembre ng nakaraang taon ay napaso na nitong Biyernes, Pebrero 19.

Ang hiling na mapalawig ito hanggang Abril 19 ay “for the purpose of receiving the evidence of petitioner Arroyo for her defense”, gaya ng nakasaad sa mosyon ng 68-anyos na dating Pangulo.

“We have filed a motion two weeks ago asking the SC to issue for a temporary restraining order (TRO) or to extend status quo order for,” sabi ni Estelito Mendoza, abogado ni Arroyo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinasuhan ng plunder si Arroyo dahil sa umano’y maanomalyang paggamit sa P365.9-milyon pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong 2008 hanggang 2010, sa panahong siya pa ang presidente ng bansa.

Simula noong 2012 ay naka-hospital arrest si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.

(Anna Liza Villas-Alavaren)