WASHINGTON/HAVANA (Reuters) – Makikipagpulong si President Barack Obama kay President Raul Castro sa Cuba sa susunod na buwan, sinabi ng White House nitong Huwebes.

Sa unang pagbisita ng isang U.S. president sa Caribbean simula noong 1928, makikipagpulong si Obama sa mga negosyante at mamamayan mula sa iba’t ibang antas ng lipunan sa kanyang pagbisita sa Marso 21 at 22, ngunit tila malabong makakaharap niya si Fidel Castro, ang dating pangulo at revolutionary leader ng bansa, sinabi ng mga opisyal ng U.S.

“Next month, I’ll travel to Cuba to advance our progress and efforts that can improve the lives of the Cuban people,” ni Obama.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'