NADINE, DIREK TONET AT JAMES copy

TINANONG namin si Direk Antoinette Jadaone sa one-on-one interview namin sa kanya kung ano ang naramdaman niya noong nakaraang Metro Manila Film Festival na halos lahat ng awards ay hinakot ni Direk Dan Villegas para sa Walang Forever. Sa madaling sabi, natalo siya ng boyfriend.

Hindi ba siya nai-insecure ngayon lalo’t bukambibig ang pangalan ni Direk Dan?

“Ay, wala kaming ganu’n, sobrang happy ako for him lalo na ‘yung hirap na dinaanan nila for Walang Forever kasi 14 shootings days lang ‘yun ‘tapos isang araw lang sila sa Taiwan. Kaya nu’ng nag-succeed siya, talagang may pinanggalingan naman ng hirap niya kasi mabilisan,” masayang kuwento ni Direk Tonet.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Binanggit namin na tinanong din namin si Direk Dan kung hindi ba ito nai-insecure sa kasikatan niya sa pamamayagpag ng On The Wings of Love.

“Walang ganu’n sa amin, suportahan kami kaya nga nu’ng (pumalit) siya sa akin sa OTWOL dahil nasa All You Need Is Pag-ibig ako, sobrang na-enjoy niya ang TV kaya natutuwa ako sa kanya kasi ibang-iba ang mundo ng TV kaysa sa pelikula.

“At saka ang key namin, every project kasi nagko-collaborate kami, so bawat project niya, project ko rin, pelikula niya, pelikula ko rin, nakakatuwa. Lahat ng pelikula niya, part ako, lahat ng pelikula ko, part siya,” masayang kuwento ng lady director.

Tungkol sa On The Wings of Love, ibinahagi ni Direk Tonet na sa simula pa lang ay papasok na talaga ang karakter ni Simon (Paulo Avelino) para mailabas ang kahinaan ng karakter ni Clark (James Reid).

“Napag-usapan namin simula pa, kasi ang karakter ni Clark ay almost perfect, so kailangan ng outside forces na makakapagpalabas ng flaws ni Clark. Si Clark, di ba, lahat ng gagawin niya is for the love of Lea?” sabi ni Direk Tonet

Aniya pa, puwedeng magkatuluyan sina Lea at Simon lalo na kung matagal nang hiwalay kay Clark. Pero hindi iyon gusto ng fans na nagwawala na at kino-call na ang attention ng mga director.

Kaya ba kailangang happy ending ang On The Wings of Love sa Pebrero 26?

“Ay, hindi dahil gusto ng fans kundi nasa story talaga siya na si Lea ay hindi talaga nagkagusto kay Simon, ni minsan. Kaya doon lumabas ‘yung flaws ni Clark na kinakain siya ng insecurities niya kasi ilang beses sinabi ni Lea at ilang beses niyang napatunayan na wala talaga at hindi sumagi sa isip niya na maging sila ni Simon,” paliwanag ni Direk Tonet.

Pinainit ang ulo ng viewers ng trailer na ipinapakitang planong i-divorce ni Lea si Clark.

“Oo kasi nagbago na, kasi nag-break na sila, nag fall apart na ‘yung marriage nila. So itong si Simon, susubukan niya like any man in love,” paliwanag ulit ni Direk Tonet.

So, hindi magtatagumpay si Simon?

“Malalaman natin, ha-ha-ha! Abangan mo na lang,” natawang sagot sa amin. “Pero I think from the start na clear ang character ni Lea na si Clark ang mahal niya, pumunta siya sa Amerika hindi para makipaglandian kundi para sa tatay.

Hindi mo rin masisi si Simon na (i-pursue) niya ‘yung kay Lea).”

Sa napanood na episode ng OTWOL nitong nakaraang Miyerkules, ipinadala na ng abogado ni Lea ang divorce papers kay Clark na kunu-kunong nawawala at para malaman kung totoo ay pumunta ito sa pad ng asawa at nakita roon ang papeles.

Kunwari’y nabuhusan ni Clark ng kape ang divorce papers kaya lihim na natutuwa si Lea, pero wala pa ring gustong magbaba ng pride sa dalawa kaya panay pa rin ang parunggitan.

Bagamat halata namang magiging happy ending pa rin ang OTWOL, marami pa ring komento ng avid viewers at may ilang nagagalit na kasi bakit daw kailangang paghiwalayin sina Clark at Lea at kunu-kunong bigyan ng chance si Simon.

“Una siyempre, mahal namin ‘yung nagawa naming kuwento so hindi maiiwasan na ang first na gagawin mo is to defend,” sey ni Direk Tonet. “Pero after that you defend it to yourself, eh, hindi mo naman kasi mapi-please ang lahat. Pero ang pinaka-okay doon ay mayroong discussion at nakakatuwa, teleserye lang siya, pero kung ipagtanggol ng (avid viewers) akala mo mga best friends nila, mga barkada nila sina Clark at Lea.

“Nakakatuwa na nagkaroon ng ganu’ng affinity sila sa mga characters na ipaglalaban talaga nila sina Clark at Lea, so hindi na lang siya usual na teleserye you watch from the beginning and when it ends, you eat after or you sleep.

Ito, after that, you discuss the next day. So for me, maganda siyang effect, parang it went beyond entertainment.”

Sa presscon proper, tinanong si Direk Tonet kung ano ang obserbasyon niya sa dalawang bida niya in between takes o off-cam? May relasyon na ba talaga at hindi lang inaamin?

“Pass,” tawa nang tawang sagot ni Direk Tonet, at nagpaliwanag na, “Actually, nu’ng una akala ko nga sila, eh, hindi pala.”

So, ano pala ang real score nina James at Nadine?

“Hindi ko alam,” tumatawa uling sagot ng lady director, halatang may itinatago rin.

Kailan naman magaganap ang happy ending nila ni Direk Dan?

“Wala pa, saka na, work muna, sayang, eh,” tumatawang sagot sa amin ni Direk Tonet.

Oo nga, sayang ang offers na napakarami. Strike while the iron is hot, ‘ika nga. (REGGEE BONOAN)