Beyonce copy

HINIHIMOK ng police union sa Nashville, Tampa at Miami ang kanilang mga tauhan na huwag tumulong sa mga concert si Beyonce, kaugnay sa umano’y naging pahayag ng pop star laban sa mga pulis sa Super Bowl.

Ayon sa presidente ng Nashville Fraternal Order of Police (FOP) na si Danny Hale, si Beyonce ay may karapatang suportahan ang Black Lives Matter movement.

“If you throw up the Black Panther Party as some sort of positive message, that is an anti-policing message. The Black Panther Party has always been anti-policing,” sabi ni Hale nang makapanayam ng Reuters sa telepono.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang halftime show sa Super Bowl, ang National Football League championship, ay isa sa mga pinapanood at inaabangan taun-taon sa United States. Aabot sa halos 112 milyong katao ang nanonood nito.

Nitong Huwebes, nagpadala na ng mensahe ang mga leader ng Tampa at Miami FOP sa kanilang mga nasasakupan, hinihimok ang mga officer na huwag tumulong at sumipot sa concert ni Beyonce.

“Ultimately, the police department, for public safety purposes, will have to mandate officers to work,” sabi ni Hale. “We’re professional and will do the job.”

Hindi nagbigay ng pahayag ang publicist ni Beyonce nang hingan ito ng komento kaugnay sa isyu.

Nakatakdang magtanghal si Beyonce sa Miami sa Abril 27, sa Tampa sa Abril 29 at sa Nashville sa Mayo 5. (Reuters)