Arestado ang isang magsyota matapos nilang tangkaing i-encash ang pekeng tseke, na nagkakahalaga ng P1 milyon, sa isang sangay ng Philippine National Bank (PNB) sa Valenzuela City, nitong Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Anne Marie Cayabyab, 38; at Rogelio Barreto, 22, tricycle driver.

Agad na humingi ng tulong ang mga opisyal ng bangko nang matunugan na peke ang tsekeng ipinapalit sa cash ng dalawang suspek sa sangay ng PNB sa MacArthur Highway, Barangay Karuhatan, Valenzuela City.

Ito ay matapos magduda si Cecilia Latumbo, bank clerk, sa laki ng halaga ng tseke kaya gumawa siya ng paraan upang maberipika ito sa PNB-Monumento at sa Social Security System (SSS), na roon nakapangalan ang tseke.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code (possession and use of false bank documents) ang magsiyota, ayon sa pulisya. (Ed Mahilum)