Natapos na rin, sa wakas, ang paghihintay ng mga nangangampanya laban sa paninigarilyo.

Tiniyak ng Department of Health (DoH) na hindi na ipagpapaliban pa ang pagpapatupad sa Graphic Health Warning (GHW) Law, o RA 10643.

Sa isang panayam nitong Biyernes, sinabi ni Health Secretary Janette Loreto-Gari na sisimulan na sa Marso 3 ang pagpapatupad sa GHW Law, at simula sa nasabing petsa ay may mga nakatatakot nang litrato ng masamang epekto ng pagyoyosi ang lahat ng gagawing kaha at pakete ng sigarilyo.

“Meron na rin template na ginawa. I know from those templates, ‘yun na ang magiging package nila,” sabi ni Garin.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nilinaw naman na ang pag-iimprenta ng mga kaha at pakete na may graphic warnings ang sisimulan sa Marso 3, kaya maipagbibili pa rin sa merkado ang mga kaha ng sigarilyo na walang graphic warnings.

Ayon sa batas, simula sa Nobyembre 2016 ay hindi na maaaring magbenta ng mga kaha at pakete ng sigarilyo na walang graphic health warning.

“Mahirap magsalita at this point in time [kung kailan mararamdaman ang epekto nito]. Mas magandang magsalita ‘pag andyan na at na-implement na. We can assess kung na-deter ba, lalo na sa kabataan – kumonti ba or may natakot ba – because what is expected of the GHW is to convey visual message na ito ang puwedeng mangyari sa inyo ‘pag tuluy-tuloy ang paninigarilyo,” ani Garin. (Charina Clarisse L. Echaluce)