claudine-barretto copy

TINAWAGAN kami ng taga-TV5 na nagtanong kung nakakapanood kami ng Bakit Manipis Ang Ulap na pinagbibidahan ni Claudine Barretto at inamin naming ‘hindi’ dahil kasabay yata nito ang FPJ’s Ang Probinsiyano at Dolce Amore na sinusubaybayan namin nitong mga huling araw dahil staycation kami, he-he-he.

 

May pakiusap ang taga-TV5 na baka puwedeng silipin namin ang Bakit Manipis Ang Ulap simula bukas dahil maganda raw ang episode. Hindi kami nangako pero um-oo naman kami.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Actually, napanood namin ang unang linggong episode ng BMAU na maganda naman at mabigat ang kuwento. Siyempre drama nga, eh. 

Aaminin namin na kung pawang mas heavy drama ang katapat ng serye ni Claudine ay susubaybayan namin ang Bakit Manipis Ang Ulap dahil gusto namin ang kuwento. At higit sa lahat, hindi namin napanood ang movie version nito noon.

 

‘Kaso, mas gusto naming panoorin ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil light lang ang kuwento, tuwang-tuwa kami kay Onyok, gusto naming umarte ang lahat ng bida, at lalo na ang umeereng episode ngayon, bagong kumbinasyon na naman si Cardo (Coco Martin) at si Katrina Trinidad (Anne Curtis) na nuknukan ng sungit at buwisit.

 

Akalain mo, may chemistry rin pala sina Coco at Anne sa storyline na mala-The Bodyguard nina Kevin Costner at Whitney Houston noong 1992. Kaya nakatitiyak kami na may ideya na ang Star Cinema at Viva Films na pagsamahin ang dalawa sa pelikula, di ba, Bossing DMB?

 

Ang galing nga ng segue ng kuwentong umeere ngayon sa Ang Probinsyano dahil kahit na may mga bagong pasok na character at bagong misyon ni Cardo ay hindi pa rin nawawala ang orihinal na kuwento ng aksiyon-serye. Hindi pa rin nalalansag ang sindikatong pinamumunuan ni Tomas (Albert Martinez) na ama ni Joaquin (Arjo Atayde).

 

At dahil in love na si Joaquin kay Carmin (Bela Padilla), malamang sa ang magiging mahigpit na magkaaway ang mag-amang Tomas at Joaquin.

 

Back to Bakit Manipis Ang Ulap, kailangan sigurong mas mauna na lang silang umere kaysa sa mga serye ng ABS-CBN para mapanood din sila. (Reggee Bonoan)