Sinabi ni vice presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na inaasinta niya ang papel bilang labor and employment czar sakaling manalo siya sa halalan sa Mayo 2016.
Ayon kay Marcos, malaki ang papel ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa reintegration ng overseas Filipino workers (OFW) sa labor force ng bansa at kapag nanalo siya sa halalan ay hihilingin niya sa susunod na pangulo, sino man ang manalo, na ibigay sa kanya ang liderato ng labor department at iba pang sangay nito.
“I would like to serve the DoLE because there are so many things I think I can do and I can see many problems that should be fixed like the end of contract scheme, the massive contractualization, the 5-5 rule, so many violations which I think I may be of help,” banggit ni Marcos sa isang panayam kamakailan. (Hannah Torregoza)