Nais ni Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares na busisiin ng Kongreso ang bagong hemodialysis package na ipinatutupad ng PhilHealth.

Ayon sa mga report, hinihingan ng karagdagang pera ang mga nagpapa-dialysis at inihihiwalay pa ang mahahalagang laboratory procedures upang bayaran.

Sa kanyang House Resolution 2651, sinabi ni Colmenares na batay sa Circular No. 024-2015 hinggil sa New PhilHealth Dialysis Package (Revision 1) na inilabas noong Agosto 27, 2015 kasabay ng pag-apruba ng Kamara sa isang panukala, ay inaatasan ang Philippine Health Insurance Corporation na taasan ang saklaw ng dialysis treatment para sa mga miyembro ng National Health Insurance Program sa 90 session bawat taon.

“The Circular increased the dialysis sessions covered by PhilHealth from 45 to 90 sessions per year and pegged the hemodialysis cost to P2,600 per session from the previous P4,000 per session,” ani Colmenares.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Saklaw, aniya, ng bagong hemodialysis package ang mga pasilidad at paggamit ng dialysis machine, mga gamot, supplies at iba pang professional fee. (Bert de Guzman)