SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan – Napatay ang ikatlo sa mga pinaghahanap sa Bulacan, habang apat na iba pa ang naaresto, makaraang mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation ng awtoridad sa Barangay Sto. Cristo sa lungsod na ito, nitong Huwebes ng hapon.

Sa report kay Bulacan Police Provincial Office chief Senior Supt. Timoto Pacleb, sinabi ni Supt. Charlie Cabradilla, hepe ng San Jose Del Monte City Police Office, napatay si Roger Passi, ikatlo sa top 10 most wanted drug personality sa Bulacan sa pakikipagsagupa ng grupo ng suspek sa mga nagkasa ng Oplan: Lambat Sibat.

Naaresto naman ng awtoridad sina Janet Bernabe y Cruz, live-in partner ni Passi, Cristoto Baloro y Miano, 45, ng Towerville Subd., Bgy. Sto. Cristo; Sopronio Longcop y Ursua, 41, ng Bgy. Minuyan II; at Marlon Robes y Encela, 40, waiter, ng Igay Road, Bgy. Sto. Cristo, pawang sa San Jose Del Monte City.

Nakumpiska mula sa mga nadakip ang isang .40 caliber Armscor pistol na may kargadong magazine, isang extra magazine na maraming bala, ilang basyo ng .40 caliber pistol, ilang sachet ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalia.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

(Freddie C. Velez)