Inakusahan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang United States na hanggang salita lamang sa iringan ng Pilipinas sa China kaugnay sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa kanyang reaksyon sa pagpapadala ng missile ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo, sinabi ni Duterte na nananatiling walang katiyakan ang katapatan ng Amerika na ipagtanggol ang mga Pilipino, sa kabila ng pagpapakita ni President Barack Obama ng pagkabahala sa militarisasyon ng China sa mga pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea.

Sinabi ni Duterte na kailangang mabilis na resolbahin ng international court ang mga usaping legal na idinulog ng Pilipinas sa pag-aangkin sa pinag-aagawang mga lugar.

Iginiit niya na dapat piliin ng Pilipinas ang peaceful settlement sa iringan.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“We cannot fight China militarily, we should avoid armed confrontation,” aniya.

Binigyang diin ni Duterte na hindi dapat umasa na lamang ang bansa sa tulong ng mga Amerikano na nakatali sa kasunduang depensahan ang Pilipinas sa oras ng armadong labanan sa alinmang bansa.

“They are not a good ally,” wika ni Duterte, na ang tinutukoy ay ang mga Amerikano. (Ben Rosario)