Puspusan ang ginagawang apela, sa pamamagitan ng ‘social networking’ ng triathlon community para kumbinsihin ang Olympic Council of Malaysia na ibalik ang triathlon sa regular sports para sa 2017 Southeast Games sa Kuala Lumpur.

Ayon sa panawagan ng ‘nitizen’, malaking kawalan sa kampanya ng Pilipinas sa SEA ang pagkabsura ng triathlon sa biennial Games.

Nitong 2015 Singapore SEAG, winalis nina Nikko Huelgas at Claire Adorna ang gold medal sa men at women events, habang nakuha ni Kim Mangrobang ang silver medal sa women’s race.     

Dahil sa naturang desisyon, isang online petition ang isinusulong. Sa ipetitions.com website, mabenta ang #TRIATHLON4SEAGames2017 mula sa Philippines, Malaysia at Singapore.  

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Wala namang opisyal na pahayag ang Triathlon Association of the Philippines (TRAP), gayundin ang Philippine Olympic Committee (POC) hingil sa pagkabasura ng sports sa calendar of event.