NEW DELHI (AP) - Sinubukang pigilan ng daan-daang army at paramilitary soldier ang protesta ng mga galit na raliyista kaugnay ng hinihiling nilang benepisyo mula sa gobyerno ng India. Sinunog nila ang mga sasakyan, mall at istasyon ng tren.

Ayon sa pulisya, isa ang namatay makaraang magpaputok ang mga officer at nagkagirian ang mga pulis at raliyista na naging dahilan upang masugatan ang 78 katao.

Ayon sa police officer na si Y.P. Singhal, hinarangan din ng mga raliyista ang kalsadang nag-uugnay sa New Delhi sa mga pangunahing siyudad sa hilaga, idinagdag na inatasan ng awtoridad ang mga pulis na magpaputok nang walang pasabi.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture