Magsasama-sama ang mga estudyante mula sa Pilipinas, Vietnam, Japan, Cambodia, Myanmar, at South Korea, para sa isasagawang march-rally na tatawaging ‘People’s Solidarity for Peace’, sa Chinese Consulate, the World Center tower, sa Makati City sa Biyernes, Pebrero 26.
Layunin nitong mahikayat ang international community na makiisa sa pagpapalaganap ng kapayapaan, katatagan at kaunlaran sa ASEAN region.
Ang peace rally ay pamumunuan nina Nguyen Quoc Giang, pangulo ng Association of Vietnamese Students in the Philippines (AVSP), at ni Ex-Parañaque City Rep. Roilo Golez, chairman ng Movement & Alliance to Resist China’s Aggression (MARCHA).
Makikiisa rin ang mga socio-civic group, kabilang na ang Knights of Columbus at ang Association of Christian Men’s Ministries.
“We express our serious concern on China’s aggression in the West Philippine Sea (WPS) in recent months as evidenced by their illegal reclamation activities & apparent militarization of various features in the South China Sea, particularly in Mischief Reef, Fiery Cross Reef and Subi Reef,” saad sa pinag-isang pahayag ng ASVP at MARCHA.
(Ellaine Dorothy S. Cal)