Libu-libong pasahero ang muling naperhuwisyo sa panibagong aberya sa operasyon ng Metro Rail Transit (MRT)-3 sa gitna ng rush hour, kahapon ng umaga.

Ayon kay MRT-3 Roman Buenafe, dakong 6:17 ng umaga nang tumirik ang isang tren sa pagitan ng Guadalupe at Buendia Stations southbound sa Makati City, dahil sa bitak o sira sa riles.

Nagngingitngit na naman sa galit na napilitang bumaba ang mga pasahero na naapektuhan ng aberya, na halos araw-araw nang kalbaryo nila.

Agad namang nagpatupad ang pamunuan ng MRT-3 ng limitadong biyahe ng tren nito mula sa North Avenue Station sa Quezon City hanggang sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City lang, at pabalik.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Pansamantala ring sinuspinde ang biyahe ng tren sa Taft Avenue Station sa Pasay City hanggang sa Shaw Boulevard Station.

Dakong 7:20 ng umaga na bumalik sa normal ang operasyon ng MRT-3. (Bella Gamotea)