Ang information technology industry pa rin ang nag-aalok ng pinakamalaking suweldo sa lahat ng posisyon nitong 2015, inihayag ng JobStreet.com Philippines.

Sa Jobs and Salary Report nito, sinabi ni JobStreet.com PHL country manager Philip Gioca na ang average salary increase para sa IT professionals ay umabot ng 7 porsiyento nitong nakaraang taon sa P38,149 kada buwan, para lamang sa junior executive, na mayroong isa o dalawang taong karanasan. Para sa supervisor at manager, ang alok na suweldo sa IT field ay umabot sa P63,485 at P86,550, ayon sa pagkakasunod.

Ang IT software field ang trabahong may pinakamalaking suweldo, ayon dito.

Samantala, ang suweldo para sa junior executive sa law/legal services ay umaabot sa P30,324 kada buwan habang ang suweldo para sa actuarial/statistics ay umaabot sa P27,890 kada buwan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The companies should be aggressive in their compensation package,” sabi ni Gioca.

Sa kabuuan, ang average na pagtaas ng suweldo sa mga nangungunang trabaho nitong 2015 ay umakyat ng 10% kumpara noong 2014.

“The significant rise is attributed to the good economy, lowest unemployment rates in years, athe resulting competitive play in the job market,” sabi ni Gioca.

Samantala, ang business process outsourcing (BPO) industry ay patuloy na nagpapaskil ng pinakamataas na prospect para sa mga naghahanap ng trabaho.

Ang kabuuang alok na trabaho sa call center/IT enabled services/BPO ay naitala sa 260,278 trabaho nitong nakaraang taon. (Maricel Burgonio)