Mas matindi pa kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si Vice President Jejomar Binay kapag nahalal ito bilang susunod na pangulo ng bansa.

“Nakikita ko na—kung ano ‘yung pagpapatakbo ni GMA noon na sindi-sindikato. Ganun ang mangyayari sa Pilipinas.

‘Magnakaw kayo as much as you can basta magbigay kayo ng boundary’,” sinabi ni Trilanes sa Lingguhang Kapihan sa Senado.

Si Arroyo ay kasalukuyang naka-hospital arrest dahil sa kasong pandarambong kaugnay ng P366-milyon Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) intelligence fund anomaly.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Trilanes na hindi dapat pagkatiwalaan si Binay at lalong hindi maaaring paniwalaan ang sinasabi nitong “kung ano ang nagawa sa Makati City ay gagawin din sa buong Pilipinas.”

“’Yung mga informal settler doon sa tabing bahay niya hindi niya nga na-improve ‘yung pamumuhay. Bakit natin iniisip na maiaahon niya ang mahihirap, eh, ‘di naman nabawasan ang mahihirap sa Makati?” giit ni Trillanes.

Sinabi pa ng senador na ipinakikilala ni Binay ang sarili bilang kampeon ng mga maralita pero ang katotohanan ay ito lang ang nagpapayaman. (Leonel Abasola)