SYDNEY (Reuters) — Hinimok ng Australia at New Zealand nitong Biyernes ang China na iwasang palalain ang tensiyon sa South China Sea matapos magpadala ang mga Chinese ng surface-to-air missiles sa pinag-aagawang Woody Island, sa Paracel Island chain.
“We urge all claimants in the South China Sea to refrain from any building of islands, any militarization of islands, any land reclamation,” himok ni Australian Prime Minister Malcolm Turnbull matapos ang pagpupulong sa Sydney kasama si New Zealand counterpart John Key.
“It is absolutely critical that we ensure that there is a lowering of tensions.”