PUMANAW na si Angela “Big Ang” Raiola, ang raspy-voiced bar owner na sumikat sa reality TV series na Mob Wives nitong Huwebes, Pebrero 18, halos isang taon simula nang ma-diagnose siya na may cancer sa lalamunan. Siya ay 55.

Siya ay namatay sa isang ospital sa New York City habang napapaligiran ng kanyang mga kaibigan at pamilya, ayon sa series producer na si Jennifer Graziano.

Sa Twitter account ni Raiola, mababasa ang pahayag na siya ay “peacefully ended her battle with cancer.”

“YOU (Her fans) were some of the most special people in her world, and she loved you immensely,” ayon sa pahayag.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Thank you for your love, prayers, and unconditional support of Angela right to the end.”

Marso noong nakaraang taon nang ma-diagnose si Raiola na may cancer sa lalamunan na tuluyang kumalat sa kanyang utak at baga.

Si Raiola, na may palayaw na Big Ang dahil sa kanyang taas na 6 na talampakan, ay nanatiling positibo sa kanyang pakikipaglaban sa cancer sa tulong ng chemotherapy at radiation. Sumailalim na rin siya sa iba’t ibang operasyon, at ang kanyang trademark na itim at mahabang buhok ay nawala na, at naging maikli at blond na.

Cigarette smoker sa loob ng 40 taon, sinabi ni Raiola na huminto na siya sa paninigarilyo nang malaman niya na may cancer siya. Kinumpirma sa kanya ng mga doktor na ang kanyang sakit ay dahil sa paninigarilyo.

Parte pa rin si Raiolo ng Mob Wives ayon sa producer na si Graziano. Ang series finale nito ay eere sa Marso 9, at ang reunion episode naman ay sa Marso 16. (Associated Press)