WASHINGTON (Reuters) — Binalaan ng United States at ng European Union ang China kahapon na dapat nitong igalang ang desisyon ng international court na inaasahang ilalabas sa huling bahagi ng taong ito sa iringan sa Pilipinas kaugnay sa mga teritoryo sa South China Sea (West Philippine Sea).

Inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea at hindi tinatanggap ang awtoridad ng Permanent Court of Arbitration sa Hague na dumidinig sa pagtatalo, kahit na lumagda ang Beijing sa U.N. Convention on the Law of the Sea na pinagbatayan ng kaso.

Sinabi ni Amy Searight, U.S. deputy assistant secretary of defense for South and Southeast Asia, na kailangang maging handa na ang United States, European Union, at mga kaalyado nito gaya ng Australia, Japan at South Korea upang linawin na ang desisyon ng korte ay dapat na sundin at mananagot ang China sa hindi paggalang dito sakaling natalo ito sa kaso.

“We need to be ready to be very loud and vocal, in harmony together, standing behind the Philippines and the rest of the ASEAN claimants to say that this is international law, this is incredibly important, it is binding on all parties,” himok niya sa isang seminar sa Center for Strategic and International Studies ng Washington.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sinabi ni Searight na ang mensahe sa China, kapag hindi nito tinanggap ang negatibong desisyon, ay dapat na “we will hold you accountable.”

“Certainly, reputational cost is at stake, but we can think of other creative ways to perhaps impose costs as well,” aniya nang hindi nagbibigay ng detalye.

Ang Hague tribunal ay walang powers of enforcement at ang mga kapasyahan nito ay binalewala sa nakalipas. Sinabi ng Pilipinas na posibleng ibaba ng korte ang desisyon nito bago ang Mayo.

Sinabi ni Klaus Botzet, pinuno ng political section ng EU Delegation sa Washington, na mahirap kontrahin ang opinion ng mundo.

“A joint Western, a joint world opinion, matters also for Beijing,” aniya.

“If we unanimously support that international law as formulated by the international tribunal in the Hague ... needs to be upheld, that’s a very strong message and will be very difficult to ignore,” paniniyak niya.