Pinayagan kahapon ng Sandiganbayan ang mosyon ni Senator Lito Lapid na 9-day furlough sa biyahe nito sa Germany upang makadalo sa tourism summit sa susunod na buwan.

Iniutos na rin ni First Division Associate Justice Efren Dela Cruz kay Lapid na magbigay ng P30,000 travel bond bago ang biyahe nito sa Berlin, Germany, para dumalo sa Internationale Tourismus Borse (ITB) bilang bahagi ng kinatawan ng Pilipinas, sa Marso 7-15.

Nagawang aprubahan kahapon ng anti-graft court ang motion to travel ni Lapid nang pumayag ang senador sa kondisyon ng hukuman na isailalim muna siya sa arraignment proceedings sa kanyang kaso bago makalabas ng bansa.

“As the chairman of the Senate Committee on Tourism, his attendance at the event is important if not indispensable, as participants from over 180 countries shall be on attendance. This event shall be the Philippines’ platform to promote the country as a prime tourist spot,” saad sa mosyon ng senador na iniharap sa hukuman nitong Lunes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nauna nang hiniling ni Lapid sa korte na ipagpaliban ang pagbasa sa kanya ng sakdal dahil sa nakabimbing motion for reconsideration niya na tumututol sa naunang desisyon ng hukuman na nagsasabing nakitaan ng probable cause ang kaso upang litisin ito.

Si Lapid ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng overpriced na liquid fertilizer na aabot sa P4.761 milyon dahil sa kawalan ng public bidding.

Ang nabanggit na pondo ay bahagi ng P728-milyon inilaan ng Department of Agriculture (DA) sa Ginintuang Masaganang Ani (GMA) program nito, na ginamit umano sa maanomalyang paraan. (ROMMEL P. TABBAD)