Mga laro ngayon

(MOA Arena)

4:15 n.h. -- Alaska vs. Blackwater

7 n.g. -- Talk ‘N Text vs. Globalport

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Madugtungan ang nakuhang kumpiyansa ang kapwa target ng Blackwater at Globalport habang sasalang naman sa unang pagkakataon ang Philippine Cup runner-up Alaska sa magkahiwalay na laro ngayon sa 2016 PBA Commissioners Cup elimination sa MOA Arena sa Pasay City.

Masusubok ng Alaska Aces ang Elite sa unang laro ng double-header sa ganap na 4:15 ng hapon.

Nasungkit ng Blackwater Elite ang unang panalo matapos ang opening day loss laban sa Mahindra Enforcers,110-102, nitong Linggo.

Magpapagpag naman ang Aces na lalaro sa unang pagkakataon matapos ang nakapanghihinayang na championship series laban sa San Miguel Beer sa Philippine Cup.

Tangan ng Aces ang 3-0 bentahe sa best-of-seven title series, ngunit winalis sila ng Beermen sa huling apat na laro.

Makakasagupa naman ng Batang Pier ang Talk ‘N Text Tropang Texters na galing naman sa kabiguan sa ikalawa nilang laban sa kamay ng Meralco Bolts, 88-84.

Wala pang inaanunsiyong bagong import ang Texters kapalit ang na-banned na si Ivan Johnson.

Muling sasandigan ang Batang Pier ni dating ABL import Brian Williams.

Masusubok naman ang tikas ni Elite import MJ Rhett sa pagtatapat nila balik import ng aces na si Rob Dozier.

Kasalukuyang magkakasalo hawak ang patas na barahang 1-1 ang Blackwater, Talk N Text at Globalport kasama ng NLEX na tinalo ng Phoenix noong Miyerkules ng gabi. (MARIVIC AWITAN)