ANG automated election system (AES) source code ay “secure”na ngunit ang pandaraya sa paparating na eleksiyon ay posible pa rin, paalala ng poll watchdog.

“Siniguro nila ang seguridad nito para mahirapang makapandaya. Ngunit, kung gugustuhin nilang mandaya, kayang-kaya pa rin nila itong gawin,” ayon sa source code reviewer na si Dr. Pablo Manalastas. Ang paalalang ito mula sa “expert” na si Dr. Manalastas ay hindi lang simpleng patalastas.

Sinabi ni Manalastas, isang retiradong propesor ng Ateneo de Manila University Department of Information Systems and Computer Science, sa Joint Congressional Oversight Committee on Automated Election na: “Secured na ang system, ngunit ang pandaraya ay maaaring gawin sa pamamagitan ng kooperasyon ng mga tao na namamahala sa data system at sa mga makina. Posibleng magkaroon ng dayaan sa tulong ng Comelec at Smartmatic.”

At kung gaano karaming tao ang kinakailangan upang makapandaya, ayon sa eksperto: “Isa o dalawang tao depende sa set up ng Comelec.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

It takes two to tango sabi nga nila… ngunit tayo ay 100 vs 2.

Gayunman, siniguro ni Smartmatic Technology Manager Marlon Garcia na “walang taong may access sa lahat ng mga component ng system,” kahit pa si Comelec Chairman Andres Bautista.

Siguruhing “walang backdoor hardware o bar-coded software” na magagamit sa poll cheating, ayon sa UNA at iba pang political party.

Nilinaw din ni Comelec Chairman Andres Bautista na sa kabila ng mga demand, hindi sila mag-iisyu ng mga resibo sa mga botante. Maaari umano itong magamit sa vote-buying, aniya.

****

Sinabi ni Solicitor General Florin Hilbay na ang presidentiable na si Sen. Grace Poe ay isang “narural-born” Filipino.

“Ang hindi pagsama sa mga pulot sa fundamental political right at pagsasawalang-bahala sa kanila, ay hindi pagiging patas at taliwas upang sundin ang Konstitusyon,” diin ni Hilbay.

Samantala, hinikayat ni US President Barack Obama ang ASEAN leaders sa California summit na palaguin ang economic at security cooperation upang magkaroon ng kapayapaan, kaunlaran, at matatag na rehiyon. (FRED M. LOBO)