Kada 40 segundo, may nakararanas ng stroke sa United States, ayon sa U.S. Center for Disease Control and Prevention, at kapag nagsimula na ang sintomas, pumapatak na ang oras.

Tinutukoy ng medical professional ang unang tatlong oras na sintomas ng stroke bilang “golden window.” Ang mga pasyenteng nakatanggap ng medical treatment sa unang tatlong oras ay mas may tsansang mabuhay at makaiiwas na magkaroon ng permanent injury.

Mga bagay na hindi mo alam na maaaring maging dahilan ng iyong pagkamatay:

Kapag ikaw ay na-stroke, ang blood supply sa iyong utak ay hindi maayos na dumadaloy, maaaring barado ang arteries o kaya’y naputol ang blood vessel sa utak. At dahil walang sapat na supply ng oxygen at nutrients, ang brain cells ay namamatay, at kapag ito ay hindi agad nabigyan ng aksiyon, maaaring lumubha ang problema at maging permanente.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bagamat alam ng mga dalubhasa ang risk factors, katulad ng mga taong high blood, naninigarilyo at may mataas na cholesterol, ang totoo, hindi natin malalaman kung sino ang magkakaroon ng stroke. Ayon sa CDC, aabot sa halos 800,000 ang mga naitalang na-stroke ngayong taon.

Sana ay malaman agad ng mga tao ang maagang sintomas ng stroke at huwag itong balewalain kapag sila, o mga taong nakapaligid sa kanila, ay nakaramdam.

Ang nakalulungkot, hindi ito masyadong iniintindi ng maraming tao, lalo na ang kabataan. Napag-alaman sa bagong national survey, ang mga taong nasa edad 45 pababa ay binabalewala ang sintomas ng stroke at hindi agad kumukonsulta sa doktor. (LiveScience.com)