bikers copy

LUCENA CITY – Hindi lamang sa EDSA may trapik.

Mistulang parking area ang kahabaan ng kalsada sa bayan ng Tiaong, Quezon dahilan para maipit ang 70 siklistang kalahok sa Le Tour de Filipinas sa unang stage ng karera, kahapon.

Bunsod nito, sa kauna-unahang pagkakataon sa anim na edisyon ng Le Tour, walang idineklarang panalo Stage 1 na nagsimula sa Antipolo City at dapat na nagtapos dito.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Uncoordinated road repair,” pahayag ni Race Commissaire 3 Lorenzo Lomibao, patungkol sa pagkabuhul-buhol ng trapiko sa Tiaong na naging sanhi para madiskaril ang mga siklista.

Ang sanhi ng labis na trapik ay ang ginagawang tulay sa nabaggit na bayan, ayon kay Lomibao. Mismong si Australian Commissaire 1 Peter Tomlinson ang nagsabing na huwag nang ituloy ang karera.

Walang naging balakid mula sa pagputok ng ‘starting gun’ sa harap ng simbahan ng Antipolo, ngunit hindi na nakadaan ang convoy, maging ang escort nang pumasok sa Tiaong, may 31 kilometro ang layo sa finish line.

Ang stage 1 ay may kabuuang 148.97 distansiya. Dahil sa pagkakatigil ng karera, may 117km lamang na natakbo ang mga kalahok.

Nasorpresa ang lahat sa sumalubong na matinding traffic na ikinadismays ng mga siklista, higit ang lead group na kinabibilangan ni Team Cebu-Kopiko skipper Jaybop Pagnanawon, anak ng dating tour champion Rolando Pagnanawon.

Ipinagkaloob naman ang parangal na King of the Mountain kay Zhandos Bizhigitov ng Kazakhstan, runner-up sa nakaraang Tour of Bulgaria ng Vino-4-Ever SKO.

Gaganapin ang Stage 2 ngayong mula Lucena at magtatapos sa Daet, Camarines Norte. (MARIVIC AWITAN)