UNITED NATIONS (PNA) — Mahigit doble ang bilang ng mga tagtuyot na naitala sa buong mundo nitong 2015 sa nakalipas na 10 taon, dahil sa matinding El Niño, inihayag ng matataas na UN disaster risk official nitong Miyerkules.

Ramdan pa rin ang mga epekto ng tagtuyot sa milyun-milyong katao sa magkabilang panig ng mundo na nakararanas ng gutom mula Ethiopia, sa Eastern Africa, hanggang Papua New Guinea, sa Oceania, sinabi ni Robert Glasser, ang special representative ng UN secretary-general for disaster risk reduction.

“We’re seeing more extreme El Niños and the frequency is increasing as well,” pahayag ni Glasser. “The 2015 El Nino — which is now beginning to decrease — was one of the most severe El Niños we’ve experienced globally.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'