Kung ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang namamahala sa pagbabaklas ng mga illegal poster sa mga lungsod, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) naman ang bahala sa iba pa.
Nagbigay ang DPWH ng ultimatum sa mga kandidato para boluntaryong baklasin ang kani-kanilang illegal campaign poster at tarpaulin sa mga national road at sa mga nakakabit sa labas ng common poster area na itinalaga ng Commission on Elections (Comelec) sa mga lalawigan.
“We are just telling our directors to give them a few days to remove their posters on their own. By this coming week, we would start dismantling them,” sabi ni DPWH Secretary Rogelio Singson.
Sinabi ni Singson na ipinauubaya na niya sa Comelec ang mga pulitikong tatangging makipagtulungan sa DPWH.
(Raymund F. Antonio)