Itinakda sa Mayo 4 ang arraignment sa kasong tax evasion sa Court of Tax Appeal (CTA) ng itinuturong utak ng pork barrel scam na is Janet Lim-Napoles.

Ipinagpaliban ang arraignment matapos maghain ng mosyon ang abogado ni Napoles na si Ian de la Cruz para ipawalang saysay ang 12 kasong tax evasion.

Nag-ugat ang kaso sa resolusyon ng Department of Justice (DoJ) noong nakaraang taon matapos makitaan ng probable cause para kasuhan si Napoles at asawang si retired Marine officer Jaime Napoles.

Kaugnay ito sa reklamong P61.18-million tax evasion na inihain ng Bureau of Internal Revenue noong 2013.

Mark Anthony Fernandez, nadaya kaya wala pang acting award?

Si Napoles ay kasalukuyang nakakulong sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City. (Beth Camia)