MORELIA, Mexico (AP) — Hinimok ni Pope Francis ang kabataan ng Mexico na labanan ang mapanuksong salapi na nagmula sa pagtutulak ng droga at sa halip ay pahalagahan ang kanilang mga sarili, sa kanyang pagbisita nitong Martes sa sentro ng narcotics trade ng bansa. “Jesus, who gives us hope, would never ask us to be hitmen,” wika niya.

Naghatid ng mensahe ng pag-asa si Francis sa susunod na henerasyon ng Mexico sa youth pep rally sa Morelia, ang kabisera ng estado ng Michoacan, ang pangunahing methamphetamine production hub at ruta ng drug-trafficking.

Idiniin ni Francis na sa pagsunod kay Kristo, makahahanap sila ng lakas na sabihing “it is a lie to believe that the only way to live, or to be young, is to entrust yourselves to drug dealers or others who do nothing but sow destruction and death.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina