Nakasilip ng pagkakataon si dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. na banatan si eight division world titlist Manny Pacquiao na pinayuhan niyang huwag nang pakialaman ang lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) community.

Sa panayam ng TMZ Sports kay Mayweather sa New York, idiniin ng dating binansagang “Gayweather” dahil sa noo’y madalas nitong pag-atras na labanan si Pacman, na walang karapatan si Pacquiao na panghimasukan ang LGBT.

“Manny needs to be more accepting,” sambit ni Mayweather sa panayam ng TMZ.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Stop throwing shade at gay people!!!" diin ni Mayweather. “We should let people live their lives the way they want to live their lives. To each his own."

Ayon sa mga political analyst, tiyak na milyon ang nabawas sa boto ni Pacquiao sa nalalapit na halalan sa Mayo 9, 2016 dahil sa laki ng populasyon ng gay community sa bansa.

Nanawagan tuloy si Ladlad chair at broadcaster na si Prof. Danton Remoto sa publiko na huwag iboto si Pacquiao kaya asahan nating bubulusok ang ratings ni Pacquiao sa susunod na survey results.

“Malaki ang ipinagbago ni Pacquiao mula nang maging Protestante. Hindi na siya masyadong umiinom ng alak at umiwas na sa iba pang masamang bisyo,” ayon kay LGBT group Silahis chair Estelito Ortega. “Pero bilang mambabatas, dapat na mas hinasa pa niya ang kanyang isip sa mga napapanahong paksa tulad ng same-sex marriage, death penalty, terorismo at marami pang iba na tiyak na maitatanong sa kanya sa mga panayam.” (Gilbert Espeña)