Sinibak ng Office of the Ombudsman ang isang opisyal ng Bureau of Customs (BoC) at ang isa naman ay mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa unexplained wealth.

Ayon sa anti-graft agency, kabilang sa tinanggal sa serbisyo ay sina BoC Operations Officer 5 Walter Farin Reynoso at BIR chief Revenue Officer 4 Alejandro Torrenco Polca.

Sinuspinde naman ng Ombudsman ng anim na buwan si BoC Operations Officer 3 Abel Batino Bayot.

Base sa naging dahilan ng Ombudsman, natuklasan nila na hindi idineklara ni Reynoso sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ang mga nabili nitong ari-arian.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Si Reynoso ay nahaharap din sa mga kasong serious dishonesty, falsification of public documents, at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officers and Employees dahil sa hindi maipaliwanag ang pinagmulan ng kanyang ari-arian.

Sa kaso naman ni Bayot, hindi nito idineklara ang dalawang baril na pag-aari nito, habang si Polca ay bigo naman na ideklara sa kanyang SALN ang mga ari-arian sa Pasig City, Cainta at Antipolo City noong 1996 hanggang 2010.

(ROMMEL P. TABBAD)