RANCHO MIRAGE, Calif. (AP) — Nanawagan si President Barack Obama at ang mga lider ng Southeast Asia ng mapayapang resolusyon sa mga iringan sa karagatan sa rehiyon sa pagtatapos ng summit sa California.

Sinabi ni Obama sa isang news conference na ang mga iringan ay kailangang resolbahin sa legal na paraan, kabilang na ang kasong isinampa ng Pilipinas para hamunin ang pag-aangkin ng China sa buong South China Sea.

Tumanggi ang China na makibahagi sa mga proseso, ngunit sinabi ni Obama na ang mga partido sa U.N. law of the seas ay obligadong igalang ang desisyon, na inaasahang ilalabas ngayong taon.

Si Obama ang punong abala para sa 10 lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa U.S. sa unang pagkakataon. Ipinaabot nito ang simpleng mensahe sa China – na nananatiling mahalagang puwersa ang U.S. sa rehiyon.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ngunit sa joint statement ng mga lider matapos ang dalawang araw na pag-uusap, iniwasan nilang banggitin ang China, at naging maingat na pairalin ang diplomasiya.

“Any disputes between claimants must be resolved peacefully through legal means such as the upcoming arbitration ruling under the U.N. Convention of the Law of the Seas, which the parties are obligated to respect and abide by,” sabi ni Obama.

Tinapos ng mga lider ang summit sa pagpapakuha ng tradisyunal na family photo sa bakuran ng makasaysayang residence sa Sunnylands, ang California desert estate na pinagdausan ng mga pag-uusap. Sa Sunnylands rin naganap ang unang pormal na pagpupulong nina Obama at Chinese Pesidente Xi Jinping noong 2013.