TUMATALAK ang isang network PR sa mas maagang paglabas sa pahayagan ng cast ng programang inililihim pa kung sinu-sino ang magsisiganap dahil magkakaroon daw ng inggitan.
Naaaliw kami, dahil bakit kailangang mataranta at tumalak ang network PR at i-check pa kung saan nakuha ng nagsulat ang impormasyon, at kung totoo raw bang may nakausap ito dahil nga bawal ilabas ang nasulat.
Ano ba namang tanong ito, Bossing DMB? Itinatanong ng network PR kung totoong may nakausap ang nagsulat tungkol sa programa nila, eh, paano mailalathala kung walang nakausap? Common-sense lang ‘yan (pahiram, Manny Pacquiao).
Para sa kaalaman ng network PR, napakaraming staff and crew ng production na nakakaaalam kung sinu-sino ang cast ng programa nila, hindi naman naililihim ‘yun.
Anyway, mabuti na lang at hindi nakakausap ng network PR ang reporter na nagsulat ng balita or else baka maloka siya sa iba pang mga detalyeng alam nito.
Minsan, kapag nag-iingay ang PR mas lalong masarap ilabas ang mga impormasyon na pinipigilan kaya mas mabuting manahimik na lang para walang pag-usapan. (REGGEE BONOAN)