Talk N Txt Ivan Johnson walk out of the courth (Bob Dungo,jr)

Tila nakurot ang puso ni PBA Commissioner Chito Narvasa at binigyan ng pagkakataon ang import na si Ivan Johnson na makapaglarong muli sa liga.

Matapos ang pakikipagpulong nitong Martes kung saan personal na humingi ng paumanhin ang sumpungin na si Johnson, ibinaba ni Narvasa sa isang season na suspensyon ang naunang parusang “lifetime ban” sa dating NBA player.

Binawasan din ang multa nito sa P150,000 mula sa naunang pahayag na P250,000.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ipinahayag ni Narvasa ang desisyon nitong Miyerkules ng umaga, ayon sa ulat ng Spin.Ph.

Nitong Sabado, agad-agad na pinatawan ng ‘lifetime ban’ si Johnson matapos itong magbitiw nang maaanghang na salita at pambabastos umano laban kay Narvasa matapos itong komprontahin hinggil sa dalawang technical foul na tinanggap nito sa referee sa second period ng laro sa pagitan ng Talk ‘N Text at Meralco.

Umani ng negatibong reaksyon mula sa nitizen at sa kampo ng Tropang Texters ang desiyon ni Narvasa, higit at hindi dumaan ang kaso ni Johnson sa due process.

Kahit hindi ipinatawag, kusang nagtungo sa tanggapan ni Narvasa si Johnson kasama ang maybahay at dalawang anak para humingi ng paumanhin at iapela ang naging desisyon laban sa kanya.

Sa record, walang apela ang koponan ng TNT sa opisina ni Narvasa.

Nakatakdang umalis ng bansa ang 31-anyos na si Johnson at ang kanyang pamilya sa Biyernes. Naghahanap pa ang Texters management ng ipapalit sa kanya.