Tahasang sinabi ng isang kongresista na haharangin niya ang anumang hakbangin upang isapribado ang malawak na Agus at Pulangui hydro-electric power complexes sa Mindanao.

Sinabi ni 1-CARE Party-list Rep. Edgardo R. Masongsong na sa kabila ng matinding pagsalungat ng ilang grupo sa Mindanao, may mga bagong plano na isinusulong ang mga pabor sa pagsasapribado sa Agus at Pulangui hydropower complexes.

Binanggit ni Masongsong si Romeo Montenegro, director for Investment Promotions and Public Affairs ng Mindanao Development Authority (MinDA), na nagpahayag na ilang privatization options ang binabalak para maisapribado ang dalawang malalaking hydro assets. (Bert de Guzman)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito