Matapos putaktehin ng mga basher sa social media, nahimasmasan si world boxing champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao at humingi ng paumanhin sa LGBT (lesbians, gays, bisexuals and transgenders) community dahil sa kanyang kontrobersiyal na pahayag na kaugnay sa same sex marriage.

Nag-imbita rin si Pacquiao ng isang malaking grupo ng mga LGBT at kanyang taga-suporta para sa isang salu-salo at humingi ng tawad sa kanyang naging pahayag.

Bukod dito, nag-sorry din si Pacman sa LGBT community sa pamamagitan ng kanyang Twitter at Facebook account.

“I’m sorry for hurting people by comparing homosexuals to animals. Please forgive me for those I’ve hurt. I still stand on my belief that I’m against same sex marriage because of what the Bible says, but I’m not condemning LGBT. I love you all with the love of the Lord. God Bless you all and I’m praying for you,” ayon sa kongresista, na ngayo’y kandidato sa pagkasenador sa May 9 elections.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Pinuri naman nina Congressman Win Gatchalian (Valenzuela), na isa ring senatorial bet, Emmie de Jesus (Gabriela) at Sherwin Tugna (CIBAC) ang naging hakbang ni Pacquiao bilang patunay ng kanyang pagpapakumbaba sa kontrobersiya na idinulot ng kanyang paninindigan sa isyu ng same sex marriage.

Iginiit ni Kabataan party-list Rep. Terry Ridon na tama ang paghingi ni Pacquiao ng paumanhin sa publiko.

“Masahol pa sa hayop ang tao,” ang kontrobersiyal na pahayag ni Pacquiao kung saan tinukoy nito ang mga LGBT na ikinasal sa kanilang kauri. (BEN ROSARIO)