Naghatid ng mahalagang mensahe ang vice presidential aspirant na si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga boboto sa Mayo 9.

Paalala ni Marcos sa mga botante: “Dapat na siyasating mabuti, kilalanin at makialam bago iboto ang sinumang kandidato, mula sa pagkapangulo ng bansa hanggang sa lokal na posisyon.”

Aniya, nasa kamay ng mga botante ang pagpili ng kandidatong magdadala ng pundasyon para sa progresong kinabukasan ng bansa.

Bagamat patuloy ang pagtuligsa sa ama ng senador na si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos kaugnay ng mga biktima ng martial law, inihayag ng senador na dapat na harapin ang hinaharap at hindi na lumingon pa sa nakaraan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Bongbong na ang pagsisilbi sa bayan at sa naging magagandang proyekto ng kanyang ama ang sentro ng kanyang gagawin, at hindi ang mapait na nakalipas.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Mr. Rene Custodio, media affairs officer ng senador, sa huling resulta ng survey makaraang tumabla na si Marcos sa ilang buwan nang nangunguna sa vice presidential surveys na si Senator Chiz Escudero. (Orly L. Barcala)