TAIPEI/WASHINGTON (Reuters) — Nagpadala ang China ng advanced surface-to-air missile system sa isa sa mga pinag-aagawang isla na kinokontrol nito sa South China Sea, sinabi ng mga opisyal ng Taiwan at U.S., pinatindi ang tensiyon sa kabila ng panawagan ng kahinahunan ni U.S. President Barack Obama sa rehiyon.

Sinabi ni Taiwan defense ministry spokesman Major General David Lo sa Reuters na ang mga missile battery ay ipinosisyon sa Woody Island, bahagi ng Paracels chain na kontrolado ng China simula 1974, ngunit inaangkin din ng Taiwan at Vietnam.

“Interested parties should work together to maintain peace and stability in the South China Sea region and refrain from taking any unilateral measures that would increase tensions,” pahayag ni Lo nitong Miyerkules.

Kinumpirma rin ng isang opisyal ng U.S. defense ang “apparent deployment” ng mga missile, na unang iniulat ng Fox News.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Ipinakita sa mga imahe mula sa civilian satellite company na ImageSat International ang dalawang battery ng walong surface-to-air missile launcher gayundin ang isang radar system, ayon sa Fox News.

Lumabas ang balita tungkol sa missile deployment habang tinatapos ni Obama at ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kanilang pagpupulong sa California na tumatalakay sa tensiyon sa rehiyon, ngunit hindi partikular na binanggit ang mga agresibong galaw ng China sa South China Sea.

Inaaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea, na dinaraanan ng mahigit $5 trillion kalakal ng mundo bawat taon, at nagtatayo ng mga paliparan at iba pang imprastruktura sa mga artipisyal na isla para suportahan ang mga pahayag nito.

Sinabi ng China na hindi nito hinahangad ang militarisasyon sa mga isla at bahura sa South China Sea, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi sila magtatayo ng mga depensa.

“Woody Island belongs to China,” sabi ni Ni Lexiong, naval expert sa Shanghai University of Political Science and Law.

“Deploying surface-to-air missiles on our territory is completely within the scope of our sovereign rights. We have sovereignty there, so we can choose whether to militarize it.”

Sinabi ni Taiwan President-elect Tsai Ing-wen na mas matindi na ngayon ang tensiyon sa rehiyon.

“We urge all parties to work on the situation based on principles of peaceful solution and self-control,” ani Tsai.

Dumating ang mga missile sa Woody Island nitong nakaraang linggo, iniulat ng Fox News. Batay sa mga imahe, walang naroon sa isla noong Pebrero ngunit namataan ang mga missile nitong Pebrero 14, ayon sa ulat.

Sinabi ng isang U.S. official sa Fox News na ipinahihiwatig ng mga imahe na ito ay isang HQ-9 air defense system, na kayang abutin ang hanggang 125 milya (200 km) at maaaring mapanganib sa anumang eroplano, sibilyan o militar, na lumilipad malapit dito.