ANKARA (Reuters) — Patay ang 28 katao at ilang dosena pa ang nasugatan sa kabisera ng Turkey, ang Ankara, nitong Miyerkules ng gabi nang isang kotse ang pinasabog sa tabi ng mga military bus malapit sa armed forces headquarters, parliament at iba pang usali ng pamahalaan.

Kinondena ng Turkish military ang inilarawan nitong terrorist attack sa mga bus habang naghihintay sa traffic lights.

Ito ang huli sa serye ng mga pambobomba nitong nakalipas na taon, na karamihan ay isinisisi sa Islamic State.

Sinabi ni Deputy Prime Minister at government spokesman Numan Kurtulmus na 28 katao, kabilang ang mga sundalo at sibilyan, ang namatay at 61 iba pa ang nasugatan sa pagsabog.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'