Kinilala na ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang anim na pulis na nasawi at 16 na nasugatan sa isang engkuwentro sa New People’s Army (NPA) sa Barangay Sta. Margarita, Baggao, Cagayan, nitong Martes.
Sinabi ni Insp. Aileen Nicolas, tagapagsalita ng CPPO, na ang mga napatay na pulis ay pawang operatiba ng Regional Public Safety Battalion, na kinilalang sina PO1 Ryan Gaspar Annang, ng Peñablanca, Cagayan; PO1 Derrel Pillos Sunico, ng Sto. Niño, Cagayan; PO1 Arjay Allauigan Bautista, ng Sto. Tomas, Isabela; PO1 Rogelio Carag Alfonso, ng Enrile, Cagayan; PO1 Julius Nitura Soriano, ng Iguig, Cagayan; at PO1 Jaypy Pedroso Aspiros, ng Rizal, Cagayan.
Sa report ng Baggao Police, nakilala naman ang mga nasugatang pulis na sina Senior Insp. Arnel Acain, PO1 Mark Layugan, PO1 Jae Mark Camaruan, PO1 Oliver Cabildo, PO1 Richmin Diesto, PO3 Jeremy Gacias, PO1 John Fritz Balunsat, PO2 Elvis Madali, PO1 Jubert Ducusin, PO1 ED Mar Malillin, at PO1 Gilben Tuguiba.
Sinabi naman ni Chief Insp. Chevalier Iringan, information officer ng Police Regional Office (PRO)-2, na bahagya ring nasugatan sa sagupaan sina Senior Insp. Clan Cabanci, PO2 Jay Pol Melad, PO1 Estanislao Kalayaan, PO1 Mathew Ballad, at PO1 Wilmore Felipe.
“Dalawa naman ang namatay sa makakaliwa and there were recovered firearms,” sabi pa ni Iringan. (Liezle Basa Iñigo)