Mga laro ngayon

(Ynares Sports Arena)

2 n.h. -- NU-BDO vs.Mindanao Aguilas

4 n.h. -- Wang’s Basketball vs. AMA University

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nanatiling malinis ang karta ng Cafe France matapos ilampaso ang Wang's Basketball,106-73, Martes ng gabi sa San Juan Arena at maisiguro ang bentaheng twice-to-beat sa quarterfinals ng 2016 PBA D League Aspirants Cup.

Buhat sa 20-12 na pagtatapos ng first period, isinara ng Bakers ang second canto sa double digits na bentahe. Sa third period, ratsada ang Café France sa 13-0 blast para umarya sa 49-37.

Mula roon, hindi na lumingon pang muli para maangkin ang ikalimang sunod na panalo.

“Malaking tulong sa mga bata ito. They got the boost sa motivation. May kumpyansa sila and na-prove nila na their hard work is finally paying off,” sambit ni Café France coach Egay Macaraya.

Nagtala si Mar Villahermosa ng 15 puntos kasunod si Carl Cruz na may 13 puntos para pamunuan ang Bakers laban sa Couriers na bumagsak sa 1-4 marka.

Samantala, magpapatuloy ang aksiyon ngayong hapon sa pamamagitan ng nakatakdang double header na katatampukan ng salpukang Wang's Basketball at ng winless pa ring AMA University (0-3) ganap na 4:00 ng hapon.

Mauuna rito, magtatapat naman ang NU- BDO at ang wala pa ring panalong Mindanao Aguilas ganap na 2:00 ng hapon.

Nanguna si Mark Romero sa Wangs sa naiskor na 18 puntos.

Iskor:

Café France (106) — Villahermosa 15, Cruz 13, Ebondo 12, Manlangit 12, Abundo 11, Casino 11, De Leon 10, Opiso 9, Arim 6, Jeruta 4, Zamar 3, Celso 0, Anunciacion 0.

Wangs (73) — Romero 18, Acosta 13, Mangahas 11, Publico 8, Bautista 6, Tumalip 6, Munsayac 3, Ilad 3, Cabahug 2, Cueto 2, Banal 1, Je. Montemayor 0, Jo. Montemayor 0.

Quarters:

22-12, 44-37, 70-54, 106-73. (Marivic Awitan)