DAAN-DAANG estudyante mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang magkakaroon ng ekslusibong pagsilip sa pagpapatakbo ng isang multimedia network sa pagbabahagi ng ABS-CBN executives ng kanilang mga karanasan at kaalaman sa 10th Pinoy Media Congress na gaganapin sa St. Mary’s College sa February 18 at 19.

 

Magdaraos din ng film viewing ang ABS-CBN ng mga klasikong pelikula na Kakabakaba Ka Ba at Sana Maulit Muli at isang boot camp para sa mga gustong maging YouTube content creators na pamamahalaan ng online multi-channel network ng kumpanya na Chicken Pork Adobo para sa mga estudyanteng delegado sa February 20.

Magbibigay din ng scriptwriting workshop ang multi-awarded screenwriter na si Ricky Lee sa mga miyembro ng Philippine Association of Communication Educators (PACE), na binubuo ng mga guro ng mass communication sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa buong bansa.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

 

Ang Pinoy Media Congress ay pagtutulungan ng ABS-CBN at ng PACE ay isang dekada na sa pagpapakitang-gawa sa susunod na henerasyon ng media practitioner at propesyunal sa pamamagitan ng mga seminar at iba pang aktibidad kasama ang ilang namumuno sa media industry. Ngayong taon, habang naghahanda ang bansa para sa halalan, muling babalikan ng mga tagapagsalita ang kahalagahan ng media sa temang “Media: Inspiring and Empowering a Nation.”

 

Magiging tagapagsalita sa unang araw sina ABS-CBN News Head Ging Reyes, ABS-CBN news correspondent Doris Bigornia, ABS-CBN News program manager Marielle Catbagan, at Rowena Paraan, ang head ng Bayan Mo, Patrol Mo initiative ng Kapamilya network, ang Integrated Acquisition and International Sales Distribution head ng ABS-CBN na si Leng Raymundo, ABS-CBN Film Productions, Inc. vice president for Creative Olive Lamasan, Special Projects and Film Restoration Head Leonardo Katigbak, at Cinema One Channel Head Ronald Arguelles.

Sa ikalawang araw ng seminar, ang mga tagapagsalita ay pangungunahan nina ABS-CBN Integrated Sports Head Dino Laurena at The Daily Serve anchor sa ANC na si Gretchen Ho at magbabahagi naman ang head of Digital ng ABS-CBN Digital media Division na si Dennis Lim, kasama ang ilang sikat na Chicken Pork Adobo’s content creators at YouTube personalities na sina Lloyd Cadena, Rod Marmol, Dominic Dimagmaliw, at Natalia Uy-Chan ng kanilang mga karanasan sa mga estudyante. Sina ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. Chairperson Gina Lopez, ABS-CBN Customer Business Development head Vivian Tin, at ABS-CBN Business Unit Head Ginny Monteagudo-Ocampo ang bubuo sa line up ng mga tagapagsalita.

Inaabangan din ng mga delegado sa PMC10 ang dialogue nila sa ilang namumuno sa Kapamilya Network sa pangunguna ng presidente at CEO ng network na si Carlo Katigbak, kasama sina ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes, at Ging Reyes.

 

Ani PACE President Marco Polo, ikinalulugod nilang makapagbigay ng kaalaman at inspirasyon sa mga estudyante, na siya ring magmamana ng industriya ng media sa hinaharap.

 

Dagdag pa ni ABS-CBN Integrated Corporate Communication Division Head Kane Errol Choa, inaasahan na mas palalakasin at palalakihin pa ng ABS-CBN at PACE ang PMC sa mga darating na taon.

 

Ang Pinoy Media Congress ay pinarangalan ng Award of Excellence ng International Association of Business Communicators Philippines noong 2007 Philippine Quill Awards at ng Public Relations Society of the Philippines noong 2008 Anvil Awards.