TORONTO (AP) — Target ng Golden State Warriors ang kasaysayan. At bawat koponan sa NBA ay naghahangad na mapigilan ang Warriors.
Sa pagtatapos ng All-Star weekend, balik sa kanilang plano ang defending champion at kung walang magiging balakid, makakamit nila ang ika-50 panalo ngayong linggo.
“Yeah, obviously, Thursday, Friday, when games start up, put our game face back on and figure out how we’re going to try to finish out the season strong and go after another championship,” pahayag ni Stephen Curry, namumuro para sa ikalawang sunod na MVP award.
Hawak ang 11-game winning streak na humila sa kanilang marka sa 48-4, magagawa ng Golden State na makarating sa 50 – pinakamatikas na karta sa regular season -- sa panalo laban sa Portland sa Biyernes (Sabado sa Manila) at kontra sa Los Angeles Clippers sa Sabado (Linggo sa Manila).
Hawak ng Chicago Bulls ang NBA record na 72-10 na kanilang naitala may 20 taon na ang nakalilipas.
“If it’s there for us we want to get it, but at the end of the day we’re trying to win a championship,” sambit ni Kyle Thompson, ang bagong NBA three-point King.
Sa ipinamamalas na dominasyon ng Warriors, marami ang nagsasabi na makakaya nilang pantayan hindi man higitan ang record ng Bulls na noo’y pinangunahan ni cage icon Michael Jordan.