La Paz, Iloilo - Matapos ang mahabang panahon, nagsalita na rin ang premyadong aktres na si Susan Roces tungkol sa walang kamatayang tsismis hinggil sa umanoây pagiging magkapatid sa dugo nina Sen. Grace Poe-Llamanzares at Sen. Ferdinand âBongbongâ Marcos Jr.Â
âHay naku, kaya ganito ang aming damdamin diyan (dahil) kahit anong paliwanag nakaraan na ang maraming taon, lumaki na si Grace, sheâs past 40, âyung sinasabi nilang anak siya ng kapatid ko bakit ko ipagkakaila kung totoo?â pahayag ni Roces habang nag-aalmusal ng La Paz batchoy sa isang pampublikong pamilihan sa bayan na ito, na rito nangampanya si Poe at katambal nitong si Sen. Francis âChizâ Esudero.
Inabandona ng kanyang mga magulang sa tapat ng Jaro Metropolitan Cathedral noong Setyembre 3, 1968, kinuwestiyon ng ilang grupo ang citizenship at residency ni Poe sa pagkandidato niya sa pagkapangulo.
Subalit iginiit ni Roces na hindi maituturing na banyaga si Poe matapos itong abandonahin ng mga magulang.
Iginiit ni Roces na imposibleng ang yumaong diktador na si Ferdinand E. Marcos, Sr. ang ama ni Poe dahil masyadong abala ang kapatid ng una, ang dating aktres na si Rosemarie Sonora, nang mga panahong aktibo ito sa pag-aartista.
Si Sonora ay nakababatang kapatid ni Susan Roces at matagal na natsitsismis na ina ng senadora kay dating Pangulong Marcos.
âKasama ko ang kapatid (Rosemarie) ko araw at gabi nung mga panahon na âyun. Hindi ko siya nakitang nagdadalantao. That was 1968, the year I got married. Later, she too, got married,â paliwanag ni Roces.
âDuring that time, Rosemarie, my sister, was very busy doing television and she was very visible. She was never, ever pregnant,â dagdag ng beteranong aktres. (Hannah L. Torregoza)