Hinimok ni Senate President Franklin Drilon ang publiko na tutukan at pag-aralang mabuti ang mga plataporma na ihahain ng mga kandidato sa pagkapresidente at pagka-bise presidente sa debate sa Cagayan de Oro City sa Linggo, na isasapubliko ng Commission on Elections (Comelec).

“I hope that the public will not miss this chance to tune in and listen to the answers that will be given by those who want to lead this country for the next years,” ani Drilon.

Sinabi ni Drilon, isa sa matataas na opisyal ng Liberal Party ng administrasyon, na dadalo sa debate ang pambato ng partido na si dating Interior and Local Government Secretary Manuel “Mar” Roxas II.

Una nang tiniyak ng Comelec na dadalo sa debate sa Linggo ang lahat ng limang kandidato sa pagkapangulo na sina Roxas, Senator Grace Poe, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, at Vice President Jejomar Binay.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“These debates will give the voters an important mechanism to know where the candidates stand on critical issues, such as on the fight against corruption, poverty alleviation, ending political dynasties, job generation, and tax reform,” paliwanag ni Drilon. (Hannah L. Torregoza)